Child Labor

“Kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Ito ang katagang pinaniniwalaan ng marami sa ating kapwa Pilipino.Ngunit ang katagang ring ito ang pinaninindigan ng iba sa ating mamamayan at nagdudulot upang ipagsapalaran ang kanilang mga anak sa maagang pagtratrabaho. Dahil sa kahirapan, napipilitan ang ilan sa mga kabataan na maghanap buhay sa kabila ng kanilang murang edad. Maaaring sabihin na maganda ito dahil sa sahod na kanilang naibibigay sa kanilang mga magulang ngunit ito rin ang dahilan upang magkaroon ng hindi gaanong magandang kinabukasan ang kabataan dahil mas pinipili nila na bigyan ng halaga ang pagtratrabaho kaysa sa pagpasok sa mga paaralan.

Ang pagdami ng bilang ng mga nagtatrabahong bata ay patunay na lumalala na ang kahirapan sa ating bansa. Sa bawat sulok ng ating bayan, hindi natin maikakaila na talagang marami ang nakakaranas ng kahirapan sa buhay. Sa murang edad ng mga bata ay nagbabanat na sila ng buto upang kumita ng pera na ipinangtutustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ngunit bakit marami parin ang bilang ng mga batang naghahanap buhay? Dalawa lang ang dahilan kaya dumadami ang bilang ng mga Batang nag tatrabaho unang una ay ang kahirapan sa buhay at ang ikalawa naman ang kawalan ng trabaho ng kanilang magulang.Bakit nga basa dinami-rami ng matatandang hindi nagtatrabaho, bakit ang mga bata pa ang kailangan na maghanap buhay? Na dapat ang mga batang ito ay nasa loob ng paaralan upang mag-aral, upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay at upang magkaroon ng maayos at magandang kinabukasan. Ang kanilang mga magulang ang dapat na nagtatrabaho upang matutustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak. At responsibilidad din nila na pangalagaan at mabigyan ng masaganang buhay ang kanilang mga anak.


Ang mga batang ito ay kayod kalabaw. Sila ay makikita natin sa mga construction sites, sa dagat, sa bahay, sa palengke, sa mga tindahan, taniman at sa mga tambakan ng basura. Mayroon din na mga na nasasangkot din sila sa isyu ng droga

Ang Child Labor ay maiiwasan,Halimbawa ay isang buong pamilya na sa sobrang dami ng anak Hindi na nila mapag aral,kaya dumadami sa ating bansa ang Hindi nakapagaral at Hindi naka pag tapos ng pag aaral.Kaya karamihan sa ating mga Pilipino ay Hindi maka hanap ng trabaho.Maiiwasan Ito ng isang pamilya sa tulong ng pag fafamily planning.Isipin nila ng mabuti ang tayo ng buhay nila.Hindi yung anak ng anak ay wala naman sapat na trabaho upang buhayin at pag aralin.Kase Hindi lang magulang ang mahihirapan.Pati nadin ang mga magiging anak nila at kinabukasan ng kanilang mga anak.”Kabataan ang pag asa ng bayan” Paano mangyayare yun kung mismong mga nakakatanda ang sumisira sa mga kabataan.